Ciara Sotto says cousin Sharon Cuneta should take the initiative to settle rift with her mom Helen Gamboa
Ciara Sotto says cousin Sharon Cuneta should take the initiative to settle rift with her mom Helen Gamboa Naging emosyunal si Sharon Cuneta sa nakaraang presscon ng show niyang Sharon, May Kapatid Ka ng TV5 nang magbuhos siya ng saloobin tungkol sa malalim na tampuhan nila ng kanyang tiyahin na si Helen Gamboa. Hiniling din dito ng Megastar na sana ay matuldukan na ang samaan ng loob nilang mag-tiyahin, lalot tinuturing niya itong pangalawang ina na niya. Ayon pa kay Sharon, sa pinsan niyang si Ciara Sotto pinapadaan ang mga bagay na gusto niyang sabihin sa tiyahin. ( CLICK HERE to read related story.) Sa panayam ng PEP.ph (PhilippineEntertainment Portal) at Cinema News kay Ciara kagabi, April 29, sa 43rd Box-Office Entertainment Awards Night ng Gulillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa RCBC Bldg., tinanong namin kay Ciara kung handa siyang maging mediator para maayos na ang problemang ito sa pagitan ng kanyang ina na si Helen Gamboa at sa pinsan niyang si Sharon Cuneta. ...