Ciara Sotto says baby is not a priority for her and husband Jojo Oconer
Isang makapigil-hiningang pole dance ang ipinakita ng singer-actress na si Ciara Sotto sa opening number ng award-winning show na Talentadong Pinoy na ipalalabas sometime soon.
Pagkatapos ng taping ng show, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.
Hindi ba siya nahirapan na i-perform ang "death-defying act" na katulad ng ginawa niya?
Humihingal na paliwanag ni Ciara, Nakakapagod din naman. Kailangan ko pa ng additional training.
Hindi iyon yung tipong after a while, e, titigil ka na hindi, e.
Dapat continuous siya, kasi kung gusto mong maging okay din ang muscles mo, dapat tuluy-tuloy.
Hinihingal din ako, promise. Pero dapat kasi consistent ka sa practice.
DANGEROUS EXERCISE. Matagal na rin pala siyang nagpu-pole dance.
Kuwento ni Ciara, Mga three and a half years na.
Ini-enjoy ko na din ito kasi sabi sa akin ng doctor ko, kung ano yung kinasanayan ng body ko na exercise, yun na din dapat.
Unti-unti nayu-used na rin akoparang wala na rin lang sa akin yung pagod at hirap.
May time din pala na naaksidente na rin siya sa pagsasayaw niya nito.
Ah oo. Sobrang hirap din kaya kailangang naka-control talaga ang leg muscles mo.
May accidents na rin na nangyari sa akin, pero minor accidents lang.
Buti hindi sa performances ko, karamihan sa rehearsals ko.
Kaya nga, bawal talaga ang naka-lotion bago ako mag-perform. Kahit... like, hapon ang number ko, sa umaga ay di ako puwede maglagay ng lotion.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.