Ciara Sotto agaw-eksena sa impeachment trial
MANILA, Philippines - Agaw-eksena kahapon sa pagpapatuloy ng Impeachment Trial ni Chief Justice Renato Corona si Ciara Sotto. Eh ang ganda pa ng puwesto niya so everytime na may magtatanong na senador sa witness na si CJ Corona, ang face niya ang nakikita sa TV screen. Blooming pa naman ang anak ni Sen. Tito Sotto kaya talagang pansin na pansin siya.
Dahil diyan pinag-usapan siya nang husto maging sa social networking site na Twitter. At nag-trending pa siya.
Kasama niyang nanood ng senate hearing kahapon ang isa pa niyang sister.
Rocco Hataw Ang Career
Tuloy ang magandang takbo ng career ni Rocco Nacino pagkatapos ng TheGood Daughter.
Kaya naman hindi siya pinababayaan ng GMA 7. At in fairness pawang magagandang role ang napupunta sa kanya.
Bukod sa pagda-drama, nasubukan na rin niyang sumayaw sa dance-serye na Time of My Life at nagpapatawa siya sa Bubble Gang.
Anyway, bukod sa TV may ginagawa rin siyang indie film na Lam-Ang. Pero natigil ang shooting nito. May mga lumabas na isyu na nawalan daw ng datung ang producer ng pelikula pero mabilis itong idinenay ng aktor na kakagaling sa bakasyon mag-isa siya ha. Hindi niya binitbit ang girlfriend niyang si Sheena Halili. Kaya nga raw hindi siya nagpapataba dahil any moment ay magre-resume ang shooting nila ng nasabing indie film.
Sarah at Jessica magdu-duet?
Magkamukha ba talaga sina Sarah Geronimo at Jessica Sanchez? Parang hindi masyado. Oo meron silang similarities pero hindi naman look-alike. Say ni Sarah sa previous interview na honored siya na ikinukumpara ang hitsura nila ng bagong American Idol bil ang sinasabi nilang wagi ang boses ni Jessicakesa sa nanalong si Phillip Phillips.
Kaya nga hoping si Sarah na magkakaroon siya ng chance na maka-duet si Jessica. Posible kayang magkasama sila sa concert?
Anyway, abala ngayon si Sarah para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum sa July 7 titled 24/SG. Mga bagong pasabog daw ang pakakawalan niya.Hindi pa raw niya nagagawa yun.
Tickets, priced at P3,920 (Patron A), P3,360 (Patron B), P3,360 (Lower Box), P1,680 (Upper Box A), P840 (Upper Box B) and P448 (General Admission) are now available at all SM Ticketnet outlets located at the SM Department Store Customer Service Area and at the Araneta Coliseum ticket booths.
For details, call 911-5555 or Viva Concerts at 687-7236.