Ciara Sotto says cousin Sharon Cuneta should take the initiative to settle rift with her mom Helen Gamboa
Ciara Sotto says cousin Sharon Cuneta should take the initiative to settle rift with her mom Helen Gamboa
Naging emosyunal si Sharon Cuneta sa nakaraang presscon ng show niyang Sharon, May Kapatid Ka ng TV5 nang magbuhos siya ng saloobin tungkol sa malalim na tampuhan nila ng kanyang tiyahin na si Helen Gamboa.
Hiniling din dito ng Megastar na sana ay matuldukan na ang samaan ng loob nilang mag-tiyahin, lalot tinuturing niya itong pangalawang ina na niya.
Ayon pa kay Sharon, sa pinsan niyang si Ciara Sotto pinapadaan ang mga bagay na gusto niyang sabihin sa tiyahin.
(CLICK HERE to read related story.)
Sa panayam ng PEP.ph (PhilippineEntertainment Portal) at Cinema News kay Ciara kagabi, April 29, sa 43rd Box-Office Entertainment Awards Night ng Gulillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa RCBC Bldg., tinanong namin kay Ciara kung handa siyang maging mediator para maayos na ang problemang ito sa pagitan ng kanyang ina na si Helen Gamboa at sa pinsan niyang si Sharon Cuneta.
Ayon kay Ciara, Sana nga maging peacemaker ako pero siyempre in Gods time, maaayos din yun.
Sana talaga maayos na, kasi nasasaktan ako para sa kanilang dalawa, lalung-lalo na para sa mommy ko. Pero wala tayong magagawa, e.
Nangyari na, pero Im sure talaga and Im trying my best na magkaayos na sila.
SHARONS INITIATIVE. Para kay Ciara, dapat magmula ang pakikipag-ayos sa Megastar, lalot ito ang mas bata at dapat magpakumbaba.
Sa kanilang dalawa, kailangan lang talaga nilang mag-usap.
Siguro kailangan niya [Sharon] talagang puntahan si Mama, siyempre matanda yun sa kanya, tita niya yun.
Ganun lang talaga, pero naiintindihan ko naman si Ate.
Sa tingin ko, na kay Ate na siya [intiative to settle] kasi gaya ng sinabi ko, siya ang mas bata.
Ako, nasasabi ko kay Ate yun.
!Pero sinasabi nga niya sa akin na kailangan lang nila ng right timing. In Gods time.
Talaga namang umiiyak siya, si Mama umiiyak din, pero ayoko na lang talagang mag-comment."
MEDIATOR. Tiniyak din ni Ciara na kung anuman ang mga mensaheng ipinapadala ni Sharon ay nakakarating naman sa kanyang ina.
Yes, of course, oo naman.
Sinasabi ko kay Mama yung gusto niyang iparating, lahat ng sinasabi niya na gustong malaman ni Mama.
Minsan emotional, alam ko na umiiyak si Ate at umiiyak din naman si Mama, pero ayoko munang masyadong mag-comment.
Basta, sana maayos na ito talaga.
Hindi siya [Helen] galit, medyo masama lang ang loob niya, hurt lang talaga siya.
Parang anak niya yun, e. Kumbaga, sa kanya, nahe-hurt siya na hindi siya binabati sa birthday niya, yung mga ganun.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.